PIA
07 Dec 2018, 23:38 GMT+10
PRINCESA, Palawan, Disyembre 5 (PIA) --- Inilatag ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang ilang panukalang hakbangin upang matugunan ang usapin ng mababang presyo ng kopra sa lalawigan.
Sa regular na sesyon ng kapulungan, iminungkahi ni Bokal Cherry Pie Acosta ng unang distrito ng lalawigan na sa halip gawing kopra ang ani na niyog, buko na lamang ang ibenta na maaaring mabili sa mataas na halaga lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga turista.
"I-encourage natin ang mga coco farmers na huwag nang pahinugin o patuyuin ang bunga ng kanilang niyog, buko palang dalhin na sa mga tourist destinations natin, katulad sa Port Barton (San Vicente), ang isang buko, nagkakahalaga ng P100, baka sa El Nido ganyan din ang presyo, malaking tulong ito sa kanila," ani Acosta.
Sinabi naman ni Bokal Albert Rama ng ikatlong distrito ng lalawigan na kinakailangang matugunan ng pamahalaan ang ilang estratehiya sa interbensyon katulad na lamang ng 'intercropping' sa mga may mataas na halagang pananim.
"Isa sa mga strategies na naiisip natin ay iyong intercropping..., pag bumaba ang presyo ng kopra, may ibang high valued crops na maibebenta ang ating mga magsasaka," ani Rama.
Aniya, dapat ding magkaroon ng pagdaragdag ng halaga sa mga produktong niyog sa pamamagitan ng pagpo-proseso nito upang maging coconut oil, magamit sa cosmetic, pharmaceutical at biofuel.
"Mayroon po tayong 'Biodiesel Act', lahat ng mga negosyante ng gasolina, required na gumamit ng ilang percentage ng biodiesel,"
Iniaatas ng batas na lahat ng mga may gasolinahan ay maghalo ng limang porsyentong biodiesel, ani Rama makakatulong din ito kung magkakaroon ng pagpo-proseso nito sa lalawigan at ma-o-obliga ang ang mga nagtitinda ng gasolina na maghalo.
Samantala, naging panauhin sa plenaryo noong Martes ang pamunuan ng Philippine Coconut Authority (PCA)-Palawan at Office of Provincial Agriculturist (OPA), dito tinalakay ang mga dahilan ng mababang bilihan ng kopra na siyang idinadaing ngayon ng mga magsasaka ng niyog.
Nilinaw ni OIC-Provincial Coconut Development Manager Raul Aguilar ng PCA na hindi kontrolado ng gobyerno ang presyo ng kopra sapagkat nakabatay ito sa dikta ng pandaigdigang merkado.
"Kino-compare po natin 'yan sa presyo ng fuel, dahil ang nag-de-determine ay ang world market, talagang wala po tayong magagawa dito sapagkat hindi rin kayang i-subsidize ng gobyerno ang presyo ng kopra," paglilinaw ni Aguilar.
Sinabi naman ni Jane Buenaobra, OIC provincial agriculturist, isa rin sa mga dahilan na nakaka-apekto sa presyo ng kopra ang mataas na suplay ng niyog ay iba pang pinanggagalingan ng langis ngunit may mababang pangangailangan.
"Marami po tayong source ng oil na ginagamit, at ang price po nito ay greatly affected ng movement ng iba't ibang klase ng vegetable oil, ang palm oil ang pinaka-malaki, pinapangalawahan po ng soybean, kapag mataas po ang supply ng palm oil, mababa ang presyo nito, ganon din po ang mangyayari tulad sa iba tulad ng coconut oil, bababa din po ang presyo nito," ani Buenaobra.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PCA na may kasalukuyang mga ipinatutupad na programa ang ahensiya upang madagdagan ang kita ng mga magsasaka ng niyog.
Ani Aguilar, ilan lamang sa ayuda ng gobyerno ang pagkakaloob ng mga kagamitan at pagsasanay para sa paggawa ng iba't ibang produkto o pagkaing gawa sa niyog.
"Hindi po nagpapabaya ang PCA, gumagawa naman po tayo ng paraan na kung hindi man natin mapa-increase, sa ibang means, matutulungan natin ang ating mga coconut farmers na madagdagan 'yong kita," dagdag pa ng hepe ng ahensiya. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)
Get a daily dose of Houston Mirror news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Houston Mirror.
More InformationNEW YORK, New York - U.S. stocks made modest gains on Wednesday as investors and traders contemplated minutes of the ...
DUBLIN, Ireland - Ireland's Minister for Agriculture, Food and the Marine Michael Creed met up with Jean-Yves Le Drian, the ...
SYDNEY, Australia - Investors ansd traders in Asia were in a good mood Wednesday sending all the major indices out ...
DUBAI, UAE - The property market in Dubai has been sinking since 2014, and is likely to remain depressed for ...
NEW YORK, New York - Wall Street continued its rally on Tuesday, although gains were modest. The big action on ...
LONDON, UK - The founder of Huawei has hit back at U.S. criticism of his company, accusing the United States ...
MONTPELIER, Vermont - Soon after announcing he is having another tilt at the presidency, U.S. Senator Bernie Sanders has named a ...
NEW YORK, New York - The FBI began an investigation into whether U.S. President Donald Trump was a Russian agent, ...
PERTH, Western Australia - An international drug ring operating in the West Australian capital of Perth has been dismantled. In ...
WASHINGTON DC - A U.S. Congressional committee is exploring whether the Trump administration is planning to provide Saudi Arabia with ...
The peace agreement signed by 15 warring parties in the Central African Republic has been hailed by the UN Children’s ...
WASHINGTON DC - U.S. President Donald Trump has called on the Venezuelan military to abandon their president, and to throw ...
DUBLIN, Ireland - Following its successful acquisition of Hollywood-based Blindlight, Irish video-gaming company Keywords Studios has now announced its latest accomplishment. Keywords r ...
Read More